“Ang pag ibig ko sa iyo ay hindi nag bago kailanman. Ang puso at buhay ko’y iyo lamang. Walang asawa na makakatulad ka sa bait at sa lahat ng bagay. Ang buong kaligayahan ay tinanggap ko sa iyo.” A letter dated October 23, 1934, from President Manuel L. Quezon to his wife Aurora Aragaon Quezon, with a postscript to his three children:
____________________
My sweetheart:
Kararating ko lamang dito sa Hospital. Kinakailangang operahin ako, sapagkat ang bato ay malaki at hindi raw makakalabas sa ureter. Mabuti na lamang at hindi ako bumalik nang ako’y nasa Java, at kung bumalik ako ay pihong na desprasia sana ako at walang makakaopera sa akin dian.
Samakalawa ang operasion. Mabuti at wala ka dito para hwag mahirapan ang loob at malalaman mo na lamang kung ako’y mabuti na sa awa ng Dios.
Hindi ko ina-ala-ala ang mangyayari sa akin, sapagkat hindi rao mahirap ang operasion at si Dr. Young ay siya ang magaling sa lahat sa operasiong ito. At lalo pa mandin ay ako’y uma-asa sa awa ng Dios na makapangyayari sa lahat. Gayon man baka sakali may mangyari sa akin, ay ikaw na ang bahala sa ating manga anak. Tapangan mo ang loob mo sapagkat kung magkasakit ka ay walang mag-a-alaga sa atang manga anak.
Dinaramdam kong ang aking buhay ay hindi ko naiukol sa iyo at sa atang manga bata; datapwat ikaw na rin ang nag bigay tibay sa akin upang ipagpatuloy ang pag lilingkod sa ating Inang Bayan.
(via mlq3)
God created Love therefore “Walang pag-ibig na di totoo” #beng!